Saturday, August 14, 2010

MGA URI NG PANG-IINIS SA TAO

1). PICK-UP LINES, NAKAKAINIS BA TALAGA?

Noon pa man, nauso na ang pick-up lines. Ginagamit ito karaniwan sa panliligaw o pagpapansin, pero ito din ay ginagamit sa pang-iinis ng kapwa. Minsan nakakasakit din ito pero siguro depende na lang sa sasabihan mo kung maganda ang mood nya at pwede sya sa pakikipag-asaran. Pero hindi dahil ganoon ay lagi mo itong gagawin, dapat ay nasa lugar ito para wala kang makakaaway.

Anu ba ng pick-up lines?

Ayon sa aking mga napagtanungan para sa kanila ito ang ibig sabihin nito:

• Pick-up lines? Ahm... Ito ay puno ng kabaduyan at pang-iinis pero minsan may kahalong ka-sweetan. – liezel Bustamante

• para sa akin nakakaasiwa sya! Ewan ko kung bakit.

• Pangpaimpres sa mga girls.

Para sa akin naman ang pickup lines ay isang uri ng pakikipag-usap na kung saan ay gusto mo lang magpapansin o mag pahiwatig sa isang tao ng iyong nararamdaman ,negatibo man o positibo.

Halimbawa nito ay ang mga sumusunod:

1. Miss kamote ka ba?

Bakit?

Amoy lupa ka kasi eh.

2. Miss puno ka ba?

Bakit naman?

Puro ugat kasi paa mo eh.

3. Miss baril ka ba?

Bakit? Tinamaan ka sa akin noh?

Hindi ah!

Eh ano?

Lakas kasi ng putok mo eh.

Pang asar di ba?. medyo nakakatawa, pero may mga taong talagang ganyan. Isa yang uri ng pagpapahiwatig
sa tao sa negatibong paraan na nakakainis na , nakakasakit naman.

Mga Tanong:

Paano ba maiiwasan ang mga ganitong pang-iinis?

Para sa akin hindi ka naman makakaiwas sa mga ganitong gawain dahil ma-eencounter mo talaga ito.
karaniwan ay biglaan nalang to nangyayari.

Ano ba ang mga dapat gawin pag nakaka-encounter ng ganitong uri ng pang-iinis?

Siguro ay sakyan na lang ang mga ganitong gawain pero pag sumobra na ,gawan mo na ng aksyon.


Ang maipapayo ko lang sa mga nakaka-encounter nito ay wag na lang nilang pansinin para walang gulo o kaya sakyan mo na lang ito

                                                                            - Ian Bustamante

2). PANG-OOKRAY , THAT MAKEs YOU CRY.

   Pang-ookray?!! Ano nga ba to?!! Alam kong marami nang nakakaalam kung ano ang ibig sabihin nito. Ito ay salitang kung minsan ay pabiro o seryoso na kung minsan ay nakakasakit ng damdamin.

   Naranasan mo na bang ma-okray?. Kung ako ang tatanungin ako, OO ang sagot ko dyan, kaya naman alam ko ang pakiramdam ng ginaganon. masakit kung minsan pero dinadaan ko na lang sa ngiti at tawa dahil kung papansinin mo yon HAY NAKU DAY!! Hindi ka gaganda, PROMISE!!. Isa pa, sanay na ako sa ganoon kasi High School pa lang pang ookray na talaga ang biruan namaing magkakabarkada. gayon pa man, marami pa rin talagang taong naaapektuhan at nagpapaapekto rito kaya naman iidinadaan nila ito sa pag-iyak. Narito ang ilang halimbawa.

" Ui, alam ko lotion mo, uling noh? "
"yuckness ahh! imburnal gamit mong pang mumog eh."
" Day!! mukha ba yan? "
" Wow!! prescipto pabango mo no? number xxx guava scent."
" Para kang nanganak ng sampung dosena sa ayos mo wah!. "

   Lahat ng mga salitang iyan ay hindi dapat humadlang o ikababa ng tingin sa sarili mo. Isipin mong biro lang lahat ang mga iyan. pag nagpapaapekto ka sa mga yan ikaw din ang uuwing luhaan

                                                                    - Mary Joy Bustos

Facial Reactions


Sa Panahon ito marami tayo dinaranas na problema. Nakakaapekto ito sa ating sarili.May kasiyahan din naman sa ating buhay.makikita mo naman sa isang tao kung masaya o malungkot sa bawat araw na dumarating sa ating buhay. Ang ekspresyon nang ating mukha ay lagi na kasama sa ating pang araw-araw na buhay,Sa pag ekspresyon nang ating mukha nag kakaintindihan ang bawat isa. Kung ano ang nasa paligid natin ganon din ang pag expression nang ating mukha .

Ito ang mga halimbawa nang ekspresyon nang ating mukha .Malungkot,Masaya,galit,pagkagulat, matamlay at marami pa ng iba .

Ito ang mga larawan nang ekspresyon nang mukha :.






*Pagkasama natin ang ating pmilya o kaibigan tayo ay Masaya lagi tayo naka ngiti.

*Pagnaman walang kasama tayo ay malungkot.

*Kung ikaw naman ay may sakit ikaw naman ay matamlay.

Kung ikaw ay laging nakasimangot ikaw ay mabilis kang tatanda .Pero kung ikaw ay naka ngiti ikaw ay Babata.Sa pag ekspresyon nang ating mukha ang bawat isa ay nagkakaintindihan.Ang exspresyon nang mukha ay napaka importante.

Kung minsan nagiging emosiyonal ang bawat isa .Marami problema ang dumarating sa buhay nang bawat isa.Ang pag ekspresyon nang ating mukha ay boluntaryo.Lalo na ang mga kabataan maraming nagagawa ekspresyon nang mukha.

Ikaw ba ung tao na masiyahin o ikaw ung tao malungkutin ..Ang mahalaga sa pag papakita nang ekspresyon nang iyong mukha.Ito ay makaka tulong sa pag papagaan nang iyon sarili.

Napakalaking tulong ang pag ekspresyon nang ating mukha.Ito ay kasama nasa ating pang araw-araw na buhay.Kung ano ang makakatulong sayo na expressiyon gawin mo upang gumaan ang iyong sarili.
                                                                       -Joana Espiritu
Imporsinating..

                                  Ako ikaw’Ikaw  Ako
Tayong mga Pilipino nakasanayan nating mangasar sa isang tao, at ginagamit ito pangsarili.Dahil parang may kung anong saya ang nararamdaman  natin kung na aasar natin ang isang tao,halimbawa nalang kung magiging impersinator nila tayo, Parang sa simula gustong-gusto natin na ginagaya tayo, sila, ngunit sa huli sa paulit-ulit mong ginagawa ito,nakakainis na,lalo na’t kung hindi kanais-nais ang itsura ng ginagaya sa atin, at lalo na't kung ginagamit ito sa masamang gawain.

Ngunit hindi natin napapansin na ang pagiimpersinate ay walang naidudulot na mabuti,sa atin, wala tayong napapala kundi gulo at sa huli pagsisisi sa nagawang biro .                                          
                                                                     -princess elaine reyes 

                                           EMOTIONAL  BLACKMAIL

     Sa panahon ngayon ay nauuso na ang iba’t ibang uri ng pang-aabuso sa kapwa. Isa na rito ang EMOTIONAL  BLACKMAIL .  Ito ay ang pag-obliga, pananakot, o pagkonsensya ng mga tinatawag na “blackmailers” para makontrol at makuha nila ang kanilang ninanais.     Maaaring gamitin nila ang kanilang nalalaman para gamitin ito sa atin.

           Lahat tayo ay maaaring maging isang "blackmailer"ngunit karaniwan sa mga ito ay sila yung mga taong ating pinagkakatiwalaan, mga taong alam kung paano tayo kokontrolin dahil alam nila ang ating kahinaan kung kaya't lahat tayo ay maaaring maging biktima nito.
  narito ang ilan sa mga halimbawa..






*Halimbawa:
 * kung hindi mo ibibigay ang hinihingi ko ay sasabihin ko na lamang sa kanila ang tinatago mong lihim.. 


  *hihintayin kita .. kung hindi ka pupunta ay mabuti pang maghiwalay na tayo..


 - Hindi ba’t isang uri na ito ng pananakot at pagkontrol sa isang tao. Na 




madalas din mangyari kahit na sa isang relasyon.




 *Minsan naman ay may pagkakataong 


kinokonsensya 



nila tayo dahil maaaring may tayo ay may utang na loob dito.




Halimbawa:
 * ibinigay ko ang lahat para matupad ang mga pangarap mo, kung kaya't dapat ay sundin mo ang lahat ng sabihin ko..


 * sinakripisyo ko ang maganda kong buhay sa ibang bansa para makasama ka, kaya sana ay suklian mo ito ng pagmamahal..

                Hindi ba’t nakakainis ito? Sino ba ang may gustong kontrolin ng ibang tao? Dapat ay hindi natin hinahayaang manipulahin ng iba ang buhay natin. Kung hindi ay magiging sunod-sunuran na lamang tayo. May sarili tayong pag-iisip at desisiyon. Kung kaya’t dapat din natin silang labanan.
                                                                             


                                                  -Christian Catherine Laderas 


No comments:

Post a Comment

Post a Comment